masama na talaga pakiramdam ko... parang biglang may sumakit sa likod ko.
Ilang araw din akong lumalakad ng paika-ika.
Nagsimula eto nung naligo ako.
Pagkatapos kong labhan ang aking nabasang damit, tumayo ako para isampay ang mga ito.
Yun na po... di na ako nakatayo ng tuwid.
ng malaman ng mga kababaihan ng iglesia ang aking naramdaman
pinatawag nila ang hilot ng bayan...
isang babaeng may dinaramdam din
ngunit di alintana ang kanyang karamdaman
maibsan lang ang dalamhati ng iba.
hinilot nya ako... habang nakapalibot ang anim na mga babae
may tagahawak ng haplas ... may taga-abot ng papel
ang papel na pinutol-putol
pinahiran ng pili at dinikit sa iba'tibang bahagi ng aking katawan
eto daw ang ulo ng ayre... sabi ni Mana Bining ang hilot.
matapos niyang mahuli ang ulo ng ayre
na syang nagbibigay sa akin ng sakit
tinapalan nya ito ng papel na may ipil.
andami ko daw'ng panuhot
bigkas niya habang hagod-hagod niya ang buo kong likod.
di ko muna puedeng maligo
wika niya.
paglalabas ka magjacket ka
ng di madagdagan ang iyong panuhot
pinatihaya nya ako...
at hinagod ang aking tiyan.
masaya niyang ibinalita sa mga kababaihan
nasa lugar na ang kanyang kabuhi
mabuti sana kung maitali natin ito para
"dili kabuhi ang kabuhi"
at naghanap na sila ng maitatali sa aking baywang
iba't -ibang babae... may kanya-kanyang dinaramdam
ngunit sama-sama para maibsan
ang sakit na dinaramdam ng isa
may taga takip sa aking hita
wag ka nang mahiya, puros naman tayo dito babae
may nagsasaing sa kusina
may taga takbo para kunin kung ano mang hingin ni Mana Bining.
Iba't ibang babae
sama-sama't tulong-tulong
para itali ang kabuhi
at paalisin ang panuhot at ayre.
3 comments:
san lugar ni nanay bining. kibakabuhi dn kc ako
San po pwede makita yun naghilot sayo nanay.?
🥹
Post a Comment