a Dialogical Sermon by Carmel and Mithi
Intro…
I would like to present to you a dialogical sermon… it’s a conversation with my daughter (call Mithi). I invite you to join with us in this conversation.
Nanay: Siguro naman (address students) alam nyo ang story ng Good Samaritan. Ikaw Mithi alam mo ang story ng Good Samaritan?
Mithi: Siempre naman, ako pa! Ano nga bay un? Yun ba yong…. (ad lib narrate the story)
Nanay : (address the students) Tama ba ang kwento ni Mithi? Agree ba kayo? Medyo nga lang modern ang rendition, but faithful to the story. That’s good, Mithi. I’m sure your Bible teacher is proud of you. But do you know the answer to Jesus’ question: Who among the three was a real neighbor to the man who was held-up?
Mithi: Siempre, yung Good Samaritan. Kaya nga tinawag na Good Samaritan, kasi he stopped to help a dying man?
Nanay: Oo nga. But do you know, tama din naman ang ginawa ng mga priest at levites?
Mithi: Tama ba yun? Tama bang iwan ang isang taong nakahandusay sa kalsada at hindi tulungan! Hello! Kahit ganito ako, alam ko namang mali siguro yung hindi tumulong sa nangangailangan, lalu na yung mga biktima ng hold-up!
Nanay: Tama ka jan. Mali talaga ang iwan lang ang isang taong nakahandusay at hindi tulungan. Pero para sa mga priest at levites, tama din yung ginawa nila.
Mithi: Ha? Panong nangyari yun?
Nanay: Do you know who the priests were?
Mithi: Siempre naman. Pari – o kaya pastor sa ngayon, katulad mo Nanay. Pero, naku, Nay, kapag ginawa mo yung ginawa ng Priest sa story natin, kahit ako sasabihin ko, magaling ka lang magsermon, pero wala sa gawa!
Nanay: Kasi nga you are looking at the story from our present time. But during Biblical times, priest ….
Mithi: Dib a, priests are mediators between people and God?
Nanay: Tama ka uli. But during Biblical Times, priests do not only represent God before people, they also bring people to God. They were the ones who ask forgiveness for the sins of the people. They were the ones who burn sacrifices offered by the people for the forgiveness of their sins. They have to be ceremonially clean to do this.
Mithi: Ano daw yun? cere,,,
Nanay: ceremonially clean! Dapat malinis sila… pure! They cannot approach God defiled. They go through complicated ceremonies of bathing, cleansing and many purification rituals before they can do their task of approaching God in behalf of the people. And one of the things that will defile them is if they touch corpse. They are forbidden to touch a corpse… mapatawo man yan o animal.
Mithi: Bawal silang humipo sa patay? Pero hindi pa naman patay yung tao sa story, di ba ?
Nanay: Because you know the story. But if we follow the story, the robbers left the man half-dead. Ibig sabihin, puede mong mapagkamalang patay na yung tao. And the priest could not take the risk of touching a possibly dead body or else, he could not function as a priest. Kawawa naman ang maraming mga tao na nangangailangan ng kapatawaran ng Dios sa kanilang kasalanan!
Mithi: E yung levite…
Nanay: Levites are temple helpers. They have the same purification requirement before they can serve in the temple!
Mithi: Mukhang mali pa rin yung iwanan mo lang ang isang tao na nakahandusay na hindi tulungan…
Nanay: I’d like us all to listen to this song. Entitled,
PLAY CD cut 9
Nanay: the song says, lahat ng mga paniniwala ay may layuning kabutihan. Lahat ng paninindigan ay para sa kabutihan ng kapwa. Yun ang kailangan nating isipin. Lahat tayo, magkakaiba man ang ating paniniwala at paninindigan, may sadyang kabutihang taglay. The priest and the levite had good reasons not to touch the victim, otherwise, they won’t be able to do what they needed to do.
Mithi: Ok. Pero para sa akin, hero ko pa rin ang Samaritan. Dib a magkaaway ang mga Jews at Samaritan? Pero kahit na, tinulungan pa rin niya ang kaaway ng kanyang lahi! Yan ang hero!
Nanay: At yan din talaga ang gusto nating iparating sa ating lesson ngayon. Alam mo ba ang daming makakahadlang sa atin upang gumawa ng kabutihan. Ang daming boundaries…
Mithi: Katulad ng yan, (point to the school boundary), boundary ng PCU High School – hindi kami puedeng lumabas ng wala sa oras?
Nanay: Pero higit na nakakatakot yung boundaries na hindi nakikita. Andyan, yung pagkakaiba ng paninindigan at paniniwala… pagkakaiba ng gusto at hilig…
Mithi: Ya right… like gusto ko ng anime… ayaw mo naman…
Nanay: Uh-huh! Like gusto ko ng tahimik, ang lakas ng patugtog mo ng mp3…
Mithi: Nanay, ha! Wag mo akong ibisto…
Nanay: But do you see my point? We have created boundaries. In fact, kahit siguro sa inyong classroom may kanya kanya kayong boundaries – boundary ng pagkakaibigan--- kami-kami – sila-sila.
Mithi: Tama po. Kung minsan, dahil kami ang magkafriendster at magka-gm…
Nanay: posibleng na exclude nyo na ang iba, dib a? Instead na magkatulungan, nagiging ka-kompetensya na.
Mithi: at sa halip na magkasundo, nagkaka-asaran pa.
Nanay: You know what is the greatest lesson of the story of the Good Samaritan?
Mithi: Yung tinulungan nya yung victim.
Nanay: But more than that, the Samaritan was able to cross over the boundaries of racial enmity, o pag-aaway ng lahi, pagkakaiba ng paniniwala (magkaiba kasi sila ng relihiyon), pagkakaiba ng estado at posisyon sa buhay. Yan ang greatest goodness. Please listen to this song:
PLAY CD cut 10
Nanay: (to the people) Let this be a prayer dance.
Group as a class. Form two circles: One from the inside. And another outer circle.
Each time you touch a person’s hand and say ‘kaibigan’ let it be a real prayer, that you are a friend, maasahan, karamay, masasandalan sa lahat ng panahon.
(Choreo of the Prayer Dance):
KAIBIGAN
Lyrics movement
Ang Kaibigan mo’y point to the person in front of you
kaibigan ko, point to self
Kaibigan hold the hand of the person in the inner circle and exchange place
Maaasahan mong may karamay ka hold the hands of the person next to you
at sandigan lean on the person next to you (nty)
Ang kaibigan hold the hand of the person nty
ng kaibigan ng kaibigan hold the hand of the person in the inner circle and exchange place until the end of the song….
Ng kaibigan from inner circle to outer circle
ko’y kaibigan mo. try to touch as many hands as possible
towards the end of the song… form one big circle… arms locked into you neighbors arm and sway or do the “chorus line” movement.
Benediction:
Nanay: You know what Mithi, brothers and sisters, Jesus no longer calls us servant or slaves… but friends. So go out and be a friend, cross boundaries and Do good at all times, at all places, with all that you can.
Mithi and Schoolmates: Amen. Amen. Amen.
No comments:
Post a Comment