Hay naku! Kung kelan ako tumanda, saka naman ako biglang naging feeling artista.
Nung Miyerkules, Nov.23, perform to the max ako: A Night In Broadway. Sponsored ng mga BRE Society ang show. Excerpts from well-loved Broadway musicales ang feature ng show. Ginanap ito sa Salakot PCU-UTS DasmariƱas campus.
Nung pinapili ako kung ano ang gusto kong kantahin, pinili ko ang "I'd Give my life for you" ng Miss Saigon.
Naging madamdamin ang proseso na dinaanan ko bago ko naisagawa ang pag-awit.
Una, I had to convince my youngest child, Katha, to play the role of Kim's son. Ayaw nya. Nag-offer yung panganay na sanay nang humarap sa tao. Aba'y, itong si Mithi ay sumasali ng singing contest sa school nila ng hindi ko man lang alam. Sumama siempre ang loob ni Mithi nang tinanggihan ko siya. "Lalaki kasi ang kailangan sa role,' paliwanag ko sa kanya. Tinulungan na lang ako ni Manang Mithi na kumbinsihin si Katha na sumali sa concert. Pumayag si Katha, sa isang kondisyon: bibilhan siya ng yoyo at kakain sa Jollibee. (nakakasindak naman ang request na 'to!)
Three days before the concert, nilagnat si Katha. Asthmatic kasi itong si Katha. Kaya panik ako ng biglang umiwa sa bahay na mainit at hahatsing-hatsing. Alam nyo, sa gitna ng kanyang kalagayan, concern pa rin ni Katha ang concert. "Nay, pa'no na ang concert natin. May sakit ako."
Nagpagaling si Katha. The night of the concert, may senat pa siya pero excited siya na sumama sa concert. Suspek ko, apurado na siyang magkayoyo.
Ang galing-galing ng performance niya. Juice ko, kahit ako, napaluha sa kanya. We hardly had any rehearsal. I just oriented him to the stage. Sabi ko lang sa kanya, "dapat malungkot ang mukha mo at titingin ka lang lagi sa akin." Ginawa nga nya. Ang dami niyang pina-iyak.
alam nyo kung bakit madrama yung pagkanta at acting namin?
I've been wrestling with God regarding my calling at ang sanity ng pagtigil pa sa seminaryo at pagpapatuloy ng theological education ko. Mas na buang ako when a job offer was presented to me. Ba't ko ba tinatanggihan ang mga offer na ito? Jaske! Ako lang yata ang inaalok ng trabaho tapos tinatanggihan ko pa!
Samantala, ni yoyo na halagang 20pesos lang, di ko mabili si Katha. Paghinihika si Katha, pinagmamasdan ko na lang siya dahil wala akong pambili ng gamot niya. Ano bang kabaliwan 'to? Sinasakripisyo ko ang mga anak ko, para sa ano? Hindi ko na rin alam.
Tapos, eto ako, kakanta ng "I'd Give My Life For You," ni hindi ko man lang kayang ibigay ang iniiyakang yoyo ni Katha.
Nagsisikap naman kami sa trabaho.
On the spot, when a pastor begged me to handle the worship service ng mga high school students dahil wala ng boses na lumalabas sa kanya, tinanggap ko iyon, kahit alam ko na thank you lang ang matatanggap ko.
Nirequest ako na mag-story-telling-a-lie sa mga elementary during their Book Week celebration, go ako. Matapos ang buong araw na pagkukuwento sa halos 200 students in five sessions, ubos na ang boses ko at patang-pata ang katawan ko. Ang reward ko? Hugs from children. This was even this little boy, who went back and gave me a resounding kiss before he went back to his class. The students who stayed a while to tell me their own life-stories. And a book: Chicken Soup for Mother's Soul.
Wala pa ring pambili ng yoyo.